Mga Pahina

Miyerkules, Mayo 09, 2012

Dear Mystic,

“I think if I've learned anything about friendship, it's to hang in, stay connected, fight for them, and let them fight for you. Don't walk away, don't be distracted, don't be too busy or tired, don't take them for granted. Friends are part of the glue that holds life and faith together. Powerful stuff.” -Jon Katz


Ngayong araw nakasama ko na naman silang tatlo. Ung tatlong makukulit, baliw at totoo kong mga kaibigan. Wala naman kaming ginawa ngayong araw kundi gumala, kumain at magkwentuhan. Halos isang buwan pa lang naming hindi nakikita ang isa't isa pero parang isang taon. Paano pa kaya kapag pasukan na? Matagal na namang kaming hindi magkikita-kita. Iba ibang schools kasi ang papasukan naming apat. Hayy... Isipin ko pa lang na magkakalayo na kami nalulungkot na ako. Sana hindi na matapos ung mga araw na masaya kaming magkkasama.


Malapit nang mag-June. Start of shool year. Start of classes. Magiging busy na naman. Pero sana magkaroon pa rin kami ng time para sa isa't isa. Ang tropa ng mga pagong na may galit sa buwaya. HAHA!


Ang haba na nito. Next time na ung iba. 'Til next time.


Love,
Mystic